Friday, October 07, 2005


abby, heto na Posted by Picasa

Portrait-Script!!!

Tapos na ni Maiden 'yun kanya! Ang Astig ng hitsura - sobra. Hm, puwede ba tayong mag-meet sa Monday? (except si Maiden at Luchi...) demanding noh? pero para ma-settle na once and for all. ok lang ba?

AS Lobby, 12nn, Monday, October 10. PLEASE...

Congrats pala, Maiden!!!haha...

Thursday, October 06, 2005

Malinawan Sana Tayo

Uy, yung sa portrait-script, 'yun black outline ang susundan, linear dapat ang pagsulat ha, gamitan niyo na lang ng ruler...mahirap nga naman talgang i-explain kung walang example, try kong mag-post...

sa Oct. 14 na tayo mgpa-pass...so may one week pa...iiwan ko pala 'yun painting kay (ate) lao, uuwi na kasi ako sa monday sa Isabela, sana makapag-meet kayo para i-assemble 'yun portrait-script...madali lang 'yun kung lahat mag-meet, wala pang isang oras, assembled na...tulungan na lang ha...

tapos 'yun para sa blog, i-send niyo lahat ng inyong contribution sa
empeeten@yahoo.com.ph ... aantayin ko siya hanggang thursday...send lang ng send...

galingan niyo ha...ako, ok lang na hindi ayos ang grade ko dito, hindi kasi siya credited (hahaha!sumobra ako ng AH...huhu...), pero kayo, galingan niyo...kakayanin ko namang pagandahin lahat para lang sa inyo...awwwww....haha...

Friday, September 23, 2005

Sabihin niyo sakin kung ok na

guys, heto 'yun pictures niyo just in case na gusto niyong kunin...ahm, in-upload ko sa pinoy_ni_vladdy groups natin 'yun MS Word format ng pix sa black and white...'yun iba sa atin, malabo 'yun features...'yun iba, malinaw...paki-check na lang...kung sakaling ok sa inyo, baka pwedeng paki-print na lang (wala na akong pera e... haha)... kung hindi, sagihin niyo lang, tingnan natin kung pwedeng ulitin...

para sa mga hindi pa members ng pinoy_ni_vladdy, maki-apid na kayo...search niyo na lang sa http://groups.yahoo.com... haha...

kailangan natin 'yung outline...sa tracing paper natin isusulat 'yung piece natin...trial and error kung magfi-fit siya...gets na ba?

luchi Posted by Picasa

niki Posted by Picasa

daryl Posted by Picasa

lao Posted by Picasa

wents Posted by Picasa

janno Posted by Picasa

bevz Posted by Picasa

maiden Posted by Picasa

Thursday, September 22, 2005

Heto Na Talaga ang Gagawin natin

DALAWANG KONSEPTO PARA SA PROYEKTONG EMPEETEN

Para kay pGMA

Sampu ang miyembro ng grupo, at sa sampung iyon, sampu ang walang pakialam sa pinakamainit na isyung hinaharap ng bansa: ang pagpapanatili o pagpapatalsik kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. “Boring” daw kasi. Sa kadahilanang ito, nagkasundo ang lahat na gagawan ng tula ang kanilang pananaw ukol sa usaping impeachment – kailangang magkaroon sila ng opinyon: gusto ba nilang manatili ang pangulo, o mapatalsik na siya sa puwesto.

Limang soneto at limang villanelle ang pagsasamasamahin sa isang blog (o sa iba pang magandang libreng ispasyo sa web). Ang lahat ng tula ay para kay pGMA, hindi sa paghikayat ng mga mambabasa. Magkukunwari ang mga miyembrong kamag-anak o malapit na kaibigan nila ang pangulo, pagagalitan o papayuhan ito base sa kanilang opinion. (Ang iba’y naki-rali sa pag-asang baka maimpluwensiyahan sila at makakuha ng sangkatutak na pictures, habang ang iba’y nagmumukmok sa bahay kasi pinagalitan ng mga magulang dahil nahihibang na raw ba sila, Delikado ang pagsama sa rali).

Bukod sa sampung tula, gagawa pa ng ibang pamumuna ang mga miyembro sa iba pang kamalasan (hal. pinsala sa darating na bagyo, paparaming istudyanteng pokpok, maramot na CRS, etc.) na nararanasan ng bansang ito at kung may koneksyon nga ba ito sa pangulo. Mga maikling kuwento, tula, essay, at sa kahit anong pormang komportable sila.

Sa gawaing ito, nais ng mga miyembro na mailinawan sa mga pambansang isyu, maunawaan ang sentimyento ng mga pro- at anti- GMA at malaman kung konektado nga ba ang lahat ng problema sa pangulo. Sana’y magkaroon na sila ng malasakit para sa bayan kasi kalian lang nila na-realize na ito pala ang nagpapaaral sa kanila.

Sa blog, kakayanin ng mga miyembro na gawing animated ito. Umaasa silang makakahanap ng host na magbibigay ng malaking ispasyo para sa mga litrato, drawings at kanta. Hindi bihasa ang mga miyembro sa net, pero humihingi sila ng tulong sa mga web masters at kasalukuyang pinagaaralan ang paggawa ng scripts.




Para sa Amin

Halos lahat ng miyembro ay may personal na isyung dinadala, at kahit papaano, konektado ito sa lipunan. Kaya naman napagkasunduang gagawa ng personal composition na umiikot sa temang “Kung ako ay isang nakakapagsalitang appliance, ano ang aking sasabihin?” Ang elektrisidad ay ang lipunan, ang features ng mapipiling appliance ay ang inaasahang pag-uugali mula sa indibidwal, ang function na appliance ay ang responsibilidad nito, etc.

Isusulat ito bilang outline ng litrato ng bawat isa.

Handwritten, sa tracing paper, wala po iyong picture, basehan lang po ito. Susundan po namin ang pattern ng mukha, at ang mga features na hindi na kayang idefine ng mga letra ay dots na lang.

Ilalagay po siya sa malikhaing frame na gawa sa Illustration board.


Para sa MPs10

Paglalathala ng saloobin ukol sa Panlipunang isyu at personal na tema ang nais makamit ng proyektong ito. Paglalabas lang talaga ng totoong kulay sa pagsusulat sa Filipino, at paggamit ng mga natutunan sa “Empeeten” ang maibibigay ng mga miyembro. Sana matupad.


Inihanda ng mga “Empeeteners” (kasi sampu po kami): Abby, Bevz, Daryl, Goya, Jano, Lao, Maiden, Niki at Wents (hindi pa nagkakakalaman ng mga totoong pangalan)

Wednesday, September 21, 2005

Para sa Singit sa Blog

Ang mga soneto't villanele ay dapat naka-adress kay pGMA...kunwari siya ang magbabasa, kunwari susulatan natin siya...hindi tayo manghihikayat ng tao para pababain siya o panatiliin, siya mismo ang ating papayuhan...gets?

Bukod sa sampung tula (5 soneto, 5 vilanele) , hinihikayat ko kayong magsulat pa ng ibang mga entries na may kinalaman sa estado ng ating bansa ngayon...parang diary entry...punahin natin lahat, hindi lang ang boring na impeachment isyu ni pGMA...marami diyan... tulad na paparating na bagyo...paparaming pokpok na istudyante...'yung mga tipong ganoon...ang twist: MAY KINALAMAN NGA BA SI PGMA SA LAHAT NG KASALUKUYANG KAMALASAN NG BANSANG ITO?

Hindi na natin ito iwo-workshop kasi karapatan ng bawat isa sa ating mailabas ang ating saloobing ng walang nagdidikta...tingnan niyo lang nga mabuti ang grammar at spelling...'yun lang...ang porma at diksyon, kanya-kanya na...basta alalahanin ang sabi ni ser na maging maingat sa diksyon...kahit magmura kayo, ok lang...basta maingat sa diksyon... :)

meet tayo bukas (September 23) ha, 11:30am, AS lobby para sa portait...sinubukan naming mag-pose kanina, eh kaewanan ng camera, ayaw ba namang mag-shoot...haay...handang-handa pa man din sina bevz, at jano...nakunan pala si Abby!!!haha...

saka pala, maghanda tayo ng sampung piso para sa outline ng ating mga mukha para maibigay ko na sa Lunes...sampung piso, sayang, pero kelangan...babalik ko na lang sukli niyo...P8 lang ata pa-print ng whole image na black and white...

God bless, ingat...at kaya natin 'to...:)

Monday, September 19, 2005

para sa "Appliances"

mamili tayo ng isang appliance na maari nating maihilintulad ang ating mga sarili. walang uulit ha. susulat tayo ng isang malayang tula, o kaya maikling kuwento, o kaya monologue. ano sa tingin niyo ang hiyang sa inyo? dapat malaya ha, walang tugma o meron man. isusulat natin siya sa sa outline ng mga mukha natin sa isang short bond paper.

kukunan natin ng litrato ang bawat isa, SOLO. gagawing black and white ito para maging outline. hm. :)

PAKIBASA NAMAN LAHAT NG LINALAMAN NG BLOG NA 'TO, PLEASE. KAUNTING TIIS LANG PO. SALAMAT!

Para kay "pGMA"


gagawa tayo ng soneto at vilanelle tungkol sa ating opinyon. kaya naman magbasa, manuod o magtatanong-tanong tayo para naman may basehan siya. kung makakasama tayo sa rally, ang saya! mas maganda kung kasama tayong lahat sa pictures!!! group bonding na rin 'yun...haha. pero kung hindi, ayyyy...ok lang.

ang mga gagawa ng soneto* ay sila:

Abby
Maiden
Wents
Bevz
Goya

para naman sa vilanelle:

Jano
Luchi
Daryl
Niki
Lao

*12 pantig

di ko alam ang rules sa vilanelle. sori.

Dalawang Masayang Konsepto!!!

Ei-Ow!!!

dito na lang tayo mag-post ng mga anu-ano. hindi kasi lahat miyembro ng yahoogroups natin eh.

sulat ko 'to kay ser tungkol sa concept paper natin. ini-edit ko na lang ng kaunti. pasensya na kung nasa English. hindi ako makakapg-isip ng mabuti sa Filipino kung madaliam. pumapalya ako sa grammar eh.

********
five of us (wents, jano, maiden, abby and i ) in our group met this morning and have formulated the process in which we'll approach our final project. We had such fun doing it that we came up with two projects.

we wanted to compile texts about national awareness since none of us care. i mean, we're not that involved on national issues as we ought to be, so we decided to formulate our opinions about the hottest issue in this seemingly God-forsaken country: the most problematic Filipina in the world. being able to have a solid opinion, either pro or anti, is the first step of nationalism and compassion for us.
for this reason, five of us (i don't know about the others yet) will attend the rally on Wednesday (Sept.21) for visual documentation (and group bonding as well. none of us has ever attended a rally before. we'll defy our parents this time!). we'll meet up at 1pm in the AS Lobby and will go to Ayala, not Mendiola. i'm not yet sure, though.


thus, the first task: each of us will write a poem about our opinion on pGMA. There are ten of us: five will write sonnets while the other half will compose villaneles. We will compile it on the web (either on a blog or a free website ), along with additional literary pieces (if time will permit us - which i think it will). the ten said poems are the foundation of the internet spot. the other pieces are the spices.

the second compilation was agreed upon to be personal renditions of our sentiments. we would like to vent out our happiness, angst, doubts, love, mentality to a world that is defined by technology and materialism. the society controls us, we agree, but it also causes us to wander off because of its irrational manipulation. but just like you've said, we are influenced by it in every aspect of our being.

thus, the second project is, well, "serious": the concept is "what if i was an appliance that could talk?" electricity is the society, the function of each aplliance is our role, the characteristics are our feelings as well as our social duties, etc. we will integrate human emotions with their mechanical characteristics. we will present our cases through freelance poems, monologues or short stories (we're still on the process of deciding on what form, maybe ser can help us). we will write it in on the black and white outline of our individual portraits (whole 8.5x11 bond paper size). instead of the ink as the fill, words will compose the outlines of our facial features. so it's a protrait-script (i apologize po for not being able to provide you with a visual sample. maybe some other time). We will take SOLO pictures set on a white background for the outline.


maybe you've noticed: our manuscripts on the first concept will be subjected to literary rules while on the second, freedom will be our master (and your suggestion, of course). and yes, it will all be in Filipino, in case you're worried. we're confident that we can do this, and we really want to. extensive effort will be exerted, don't worry.
*****


ayan, okay na sana 'yan. kung may tanong, text niyo lang ako (09174080150). sana makupunta tayo sa Wednesday! sino pang may digicam o videocam?

isa pang paalala: deadline ng first draft ng dalawang tula ay sa Lunes, Setyembre 26, sa AVR na pinagpanooran natin ng Hedwig. may klase na ata tayo 'nun.

KUNG DADAMDAMIN NIYO, MASAYA 'TONG PROJECT NA 'TO!!! GOD BLESS!!!
Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)