Thursday, September 22, 2005

Heto Na Talaga ang Gagawin natin

DALAWANG KONSEPTO PARA SA PROYEKTONG EMPEETEN

Para kay pGMA

Sampu ang miyembro ng grupo, at sa sampung iyon, sampu ang walang pakialam sa pinakamainit na isyung hinaharap ng bansa: ang pagpapanatili o pagpapatalsik kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. “Boring” daw kasi. Sa kadahilanang ito, nagkasundo ang lahat na gagawan ng tula ang kanilang pananaw ukol sa usaping impeachment – kailangang magkaroon sila ng opinyon: gusto ba nilang manatili ang pangulo, o mapatalsik na siya sa puwesto.

Limang soneto at limang villanelle ang pagsasamasamahin sa isang blog (o sa iba pang magandang libreng ispasyo sa web). Ang lahat ng tula ay para kay pGMA, hindi sa paghikayat ng mga mambabasa. Magkukunwari ang mga miyembrong kamag-anak o malapit na kaibigan nila ang pangulo, pagagalitan o papayuhan ito base sa kanilang opinion. (Ang iba’y naki-rali sa pag-asang baka maimpluwensiyahan sila at makakuha ng sangkatutak na pictures, habang ang iba’y nagmumukmok sa bahay kasi pinagalitan ng mga magulang dahil nahihibang na raw ba sila, Delikado ang pagsama sa rali).

Bukod sa sampung tula, gagawa pa ng ibang pamumuna ang mga miyembro sa iba pang kamalasan (hal. pinsala sa darating na bagyo, paparaming istudyanteng pokpok, maramot na CRS, etc.) na nararanasan ng bansang ito at kung may koneksyon nga ba ito sa pangulo. Mga maikling kuwento, tula, essay, at sa kahit anong pormang komportable sila.

Sa gawaing ito, nais ng mga miyembro na mailinawan sa mga pambansang isyu, maunawaan ang sentimyento ng mga pro- at anti- GMA at malaman kung konektado nga ba ang lahat ng problema sa pangulo. Sana’y magkaroon na sila ng malasakit para sa bayan kasi kalian lang nila na-realize na ito pala ang nagpapaaral sa kanila.

Sa blog, kakayanin ng mga miyembro na gawing animated ito. Umaasa silang makakahanap ng host na magbibigay ng malaking ispasyo para sa mga litrato, drawings at kanta. Hindi bihasa ang mga miyembro sa net, pero humihingi sila ng tulong sa mga web masters at kasalukuyang pinagaaralan ang paggawa ng scripts.




Para sa Amin

Halos lahat ng miyembro ay may personal na isyung dinadala, at kahit papaano, konektado ito sa lipunan. Kaya naman napagkasunduang gagawa ng personal composition na umiikot sa temang “Kung ako ay isang nakakapagsalitang appliance, ano ang aking sasabihin?” Ang elektrisidad ay ang lipunan, ang features ng mapipiling appliance ay ang inaasahang pag-uugali mula sa indibidwal, ang function na appliance ay ang responsibilidad nito, etc.

Isusulat ito bilang outline ng litrato ng bawat isa.

Handwritten, sa tracing paper, wala po iyong picture, basehan lang po ito. Susundan po namin ang pattern ng mukha, at ang mga features na hindi na kayang idefine ng mga letra ay dots na lang.

Ilalagay po siya sa malikhaing frame na gawa sa Illustration board.


Para sa MPs10

Paglalathala ng saloobin ukol sa Panlipunang isyu at personal na tema ang nais makamit ng proyektong ito. Paglalabas lang talaga ng totoong kulay sa pagsusulat sa Filipino, at paggamit ng mga natutunan sa “Empeeten” ang maibibigay ng mga miyembro. Sana matupad.


Inihanda ng mga “Empeeteners” (kasi sampu po kami): Abby, Bevz, Daryl, Goya, Jano, Lao, Maiden, Niki at Wents (hindi pa nagkakakalaman ng mga totoong pangalan)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)